Miyerkules, Hulyo 3, 2013

1st Blog for Philippine History

          Sa paglipas ng panahon, maraming kuro kuro,paniniwala,at mga teorya ang mga nabuo kung saan nga ba talaga nagmula ang mga tao sa Pilipinas.Dalawa sa mga ito ay aking ilalathala at bibigyan ng mga paliwanag.Isa sa mga teorya ay ang 

Teorya ng Ebolusyon 

Charles Darwin: Origin of the Species; ang tao'y di basta-bastang sumulpot kundi unti-unting dumating sa kasalukuyan niyang kalagayan at hitsura; unang nagbigay ng ebidensyang nagpatunay dito; maraming tao ang di naniwala dito dahil labag daw ito sa istorya ni Adan at Eva. Humanap ang mga siyentipiko ng ebidensiya upang mapatunayan ang teorya ni Darwin.Noong ika-19 dantaon, naging masigasig ang mga tao sa pagtuklas sa kanilang pinagmulanLeakey (Louis, Mary, Richard): nakatuklas sa mga labi sa AprikaAng mga uri ng tao ayon kay Charles Darwin Australopithecus (bakulaw na Taga-timog): pangalang binigay sa uri ng unang tao· Africanus: matulis ngipin, karne, di-tuwid katawan sa paglakad, kasangkapang bato't buto, kaunting noo, maliit at payat kaysa sa robustus
      · Robustus: gulay, lumalakad nang patayo subalit di tuwid, walang noo, walang kagamitan, nakatira sa kagubatan, masmalaki sa africanus
Cro-Magnon: masmalaking utak kaysa sa atin, matangkad(6talampakan), malalaki ang katawan
Carl Sagan: malaki man ang katawan nila, nandito pa rin tayo dahil sa ating abilidad
Neanderthal: malapat at makapal ang bungo sapagkat higit na malaki ang laman nitong utak kaysa karaniwang tao ngayon
Homo Habilis: mataas noo, karne't gulay,lakad patayo't tuwid, kasangkapang bato,nagtayo ng tirahan, higit na malaking utak kaysa Australopithecus, namuhay bilang pangkat Homo Erectus: Mataas noo, karne, gulay, nakatayo sa paglakad, iba't ibang tirahan, kagamitan, apoy, di-kataasan, napakalagalag, nagbiyahe sa Heidelberg, Beijing at Java; Taong Peking, Taong Java Homo sapiens: mataas noo, karne't gulay, nakatayo paglakad, tuwid, saan-saan nakatira, kasangkapang bato, metal etc.

 

Sumunod ang Teorya ng Migration 

 Ito ang teorya na kung saan sinasabi na may tatlong dayuhan na dumayo sa Pilipinas.
        Ang unang pangkat ay ang mga Negrito o Ita. Galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay
 na lupa.Nagtungo sila sa Palawan, Mindoro at ilang bahagi ng Mindanao.Pandak at maitim ang mga Negrito
.Pango ang ilong at makapal ang kanilang mga labi.Kulot na kulot ang kanilang itim na buhok. 
Pagala Gala sila upang makahanap ng pagkain.Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang pana, sumpit,busog at mga 
kagamitan yari sa bato  Ang ikalawang pangkat ay ang mga Indones dumating sila sa kapuluan sakay ng bangka.
   
      Sinasabing may dalawang  pangkat ng mga indones ang dumating.
        Ang unang dumating ay kayumanggi at matatangkad.Mayroon silang manipis na labi at balingkinitan
 ang kanilang katawan. Nabubuhay sila sa pagkakaingin at pangingisda. 
       Ang ikalawang pangkat ay sinasabing nagmula sa South China at Indochina. Maitim sila,pango ang mga ilong at
 makakapal ang mga labi. Nabubuhay sila sa pag tatanim ng halamang ugat at mga palay at sa pangingisda .
Gawa sa kahoy at kugon ang kanilang mga tirahan.
  
       Ang pangatlong pangkat ay  ang mga Malay, sakay sila ng isang bangka na tinatawag na Balangay. Dumaong sila sa
 Luzon, Visayas atMindanao. May sariling pamahalaan at batas. May kaalaman sila sa musika, sining, at agham.
 Nabubuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda, pag-papanday at paggawa ng kagamitan yari sa mga bato.

        Naniniwala ka ba sa teorya ng tulay na lupa?
     Ang teorya ng tulay na lupa ay ang Pilipinas ay kadugtong ng ibang bansa sa Asia. Dinudugtong ng tulay na lupa
ang Pilipinas sa ibang bansa.Lumubog na lamang ito nung natunaw ang mga yelo sa North Pole.
 Sa aking palagay noongunang panahon maaringmayroon nga na tulay na nagdudugton sa pilipinas at karating bansa nito.
Ang mga sinaung tao ay mahilig maglakbay at tumuklas ng mga bagong bagay upang mabuhay.
Maaring ang tulay na lupa ay ginawa ng mga sinaunang tao upang magkaroon ng koneksyon angmga karatig na bansa ng Pilipinas.


        Ano ang mga katangian ng mga Ita, Malay at Indones?
    Ang mga tatlong taong pinaniniwalang unang dumating sa Pilipinas ay mayroon mga katangian na masasabing kong nakakahanga.
Nabuhay sila sa panahon na kawalan. Ang pamumuhay na payak at tanging biyaya mula sa kalikasan lamang ang kanilang inaasahan.
Napalaki ng mga kontribusyon nila na hanggang sa ngayon ay ating mga ginagamit para sa araw araw na pamumuhay
 gaya ng pagtatanim at pangingisda.

  Naniniwala ka ba sa syensiya na ang mga Taiwanese
    
 ang pinakamalapit na pinagmulan ng mga sinaunang tao sa Pilipinas?
    
       Hindi ako naniniwala dahil iba ang katangian physical ng mga Pilipino kumpara sa mga Taiwanes.
Mula sa kulay, hugis ng mata, at pati ang mga ugali nating mga Pilipino.

Ano sa palagay mo ang mga katangian ng mga unang Pilipino ang namana 

       at ginagamit natin magpasahanggang ngayon?

    Sa aking palagay may mga katangian na namana natin mula sa mga sinaunang Pilipino.
Ilang sa mga ito ay ang pamumuhay gamit ang kalikasan. Ang pangingisda,pagtatanim ng palay ay halimbawa nito.
Ang paniniwala sa mga kaluluwa ng mga namatay na tao. Ang trader o ung pagpapalit ng mga kalakal.
Ang pag gamit ng mga banga sa pamamaraan ng pagluluto.
        Iilan lamang ito mga mga ndi mabilang na naging kontribusyon ng ating mga sinaunang tao.
                   

Sa iyong palagay, maganda ba ang naging resulta ng pagkadiskubre sa atin ng mga Espanyol?
Sa aking paklagay, may mga magagandang naidulot sa atin ang pagdiskubre ng mga espanyol..
Isa na dito ang ating Rehiyon na sinusunod.
Nagkaroon din tayo ng kaalaman tungkol sa mga kasangkapan gaya ng mga tinidor at ilan pang gamit sa pagkain.
Naturo din sa atin ang ilang mga tamang kaugalian sa pagharap sa hapag kainan.